Connect with us

Aklan News

Motor vs topdown, nagsalpukan; 3 sugatan

Published

on

Isinugod sa ospital ang driver ng topdown gayundin ang isang motorista at angkas nito matapos na magtamo ng galos sa katawan dahil sa salpukan ng topdown at motorsiklo nitong Linggo.

Napag-alaman na 20-anyos ang naturang driver ng topdown na residente ng Cortes, Balete habang 41-anyos naman ang driver ng motor kasama ang angkas nitong 11-anyos na parehong residente it Brgy. Laguinbanwa west, Numancia.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, mula umano ang topdown sa Pob. Numancia at patungong Kalibo nang biglang tumawid ang motor na mula naman sa isang crossing sa lugar.

Posible umanong hindi napansin ng mga sangkot ang isa’t-isa kaya sila’y nagsalpukan.

Dahil dito, nagtamo ng mga galos sa katawan ang driver ng topdown at bahagya pa itong nahilo habang mga gasgas naman sa katawan ang tinamo ng motorista at angkas nito.

Agad isinugod sa ospital ang tatlo kung saan confine hanggang ngayon ang driver ng topdown habang ini-refer naman sa OPD ang dalawa pang biktima.