Aklan News
Motorbanca tumaob sa Malay, mga pasahero at crew nailigtas


Maswerteng nailigtas ang mga pasahero at crew ng isang motorbanca na tumaob sa bahagi ng Poblacion, Malay kahapon, Disyembre 4.
Sa ulat ng Maritime Pulis Aklan Marpsta, ang kapitan ng bangkang MBCA Chacha ay kinilalang si Jareel Nervar ng Bel-is, Buruanga, Aklan.
Napag-alaman na hinampas sila ng malalakas na hangin at alon habang naglalayag sa Poblacion, Malay papuntang Bel-is dahilan na tumaob ang bangka.
Sa uploaded video ng Maritime Pulis Aklan sa Facebook, makikita ang aktwal na pagsagip nila sa mga sakay ng bangka.
Dinala ang mga biktima sa Caticlan Jetty Port at sa Motag Hospital para magamot.
Continue Reading