Connect with us

Aklan News

Motorcycle backriders, dapat kumuha ng barangay certification

Published

on

Photo courtesy| http:/metronewscentral.net

REQUIRED na ngayon sa mga angkas sa motorsiklo o motorcycle backriders ang certification mula sa kani-kanilang barangay na magpapatunay na magkasama silang nakatira sa iisang bahay ng driver.

Ito ay base sa advisory mula sa opisina ni Governor Florencio Miraflores na inilabas ngayong umaga kasunod ng anunsiyo ng National Inter-agency Task Force in the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-EID).

Maliban sa barangay certification, dapat laging nakasuot ng face mask ang kapwa driver at pasahero nito.

Kaugnay nito, ang negative RT-PCR result na kailangan ipakita ng mga Locally Stranded Individuals (LSIs), Returning Overseas Filipinos (ROFs) at Authorized Persons Outside Residence (APORs) sa ilalim ng EO No. 035 ay kailangan na pitong araw lang lumabas bago sila umuwi ng Aklan.

Continue Reading