Connect with us

Aklan News

Motorista duguan matapos sumemplang nang mag-overtake sa tricycle

Published

on

Sugat sa ulo, tuhod at iba pang bahagi ng katawan ang tinamo ng isang lalaki matapos sumemplang sa minamanehong motorsiklo sa Brgy. Agbalogo, Makato nitong hapon ng Linggo.

Ayon sa nga nakakita, sinubukan umanong mag-overtake ng naturang motorista sa kasunod nitong tricycle ngunit bigla itong sumemplang sa kalsada.

Sa lakas ng pagkakatumba, nagtamo ito ng mga sugat sa katawan kung saan duguan itong naabutan ng mga nagrespondeng miyembro ng MDRRMO Makato.

Agad nilang nilapatan ng first aid ang biktima bago dalhin sa ospital.

Samantala, wala namang iba pang nadamay sa naturang aksidente.