Connect with us

Aklan News

‎Motorista na nag-beating the red light, nabangga ang kapwa motorista sa Kalibo

Published

on

 

Nabangga ng isang motorsiklo ang isa pang motorsiklo matapos lumabag sa traffic light sa may Intersection sa may crossing Shell sa may Estancia, Poblacion, Kalibo pasado ala-1 ng hapon nitong Hunyo 18.

Ayon sa Kalibo Municipal Police Station (MPS), minamaneho ng isang 37-anyos na babae mula sa Brgy. Talangban, Madalag, Aklan ang motorsiklong lumabag sa red light.

Samantala, ang isa pang motorsiklo ay minamaneho ng isang 25-anyos na lalaki na residente ng Poblacion, Ibajay, Aklan.

Batay sa imbestigasyon, nagmula sa Mabini St. Ang babaeng driver at papunta sana sa Jaime Cardinal Sin Ave., habang ang lalaking rider ay mula sa Toting Reyes St. At patungong Estancia.

Pagdating sa intersection, tumawid umano ang babae kahit naka-red ang ilaw ng traffic light, dahilan upang mabangga niya ang motorsiklo.

Nagtamo ng sugat sa tuhod at pananakit ng likod ang babae ngunit tumangging magpadala sa ospital.

Sa kabila ng insidente, nagkaayos din ang dalawang motorista. | Ulat ni Jisrel Nervar