Connect with us

Aklan News

Motorista, nawalan ng malay matapos bumangga sa sinusundang traysikel 

Published

on

Photo: Mdrrmo Numancia/Facebook

WALANG MALAY na isinugod sa ospital ang isang motorista matapos na bumangga sa sinusundang traysikel sa bahagi ng Laguinbanwa West, Numancia kagabi.

Kinilala ang biktima na si Christian Rey Tibajares, 25-anyos ng barangay Agmailig, Libacao, Aklan.

Ayon kay PMSg Felizardo Navarra, imbestigador ng Numancia PNP, nasa ilalim ng impluwensiya ng alak ang driver ng motorsiklo ng mangyari ang aksidente.

Lumalabas naman sa inisyal na imbestigasyon ng mga kapulisan na mula sa bayan ng Kalibo ang traysikel at pauwi na sana ang hindi na pinangalanang driver nito na residente ng barangay Dongon East sa bayan ng Numancia.

Ayon kay Navarra, pagdating sa bahagi ng Laguinbanwa West ay nabangga ni Tibajares ang likurang bahagi ng nasabing traysikel.

Dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga, nahulog ang driver sa sinasakyan nitong traysikel at maswerte nagtamo lamang ng mga minor injuries na kaagad namang isinugod sa isang pribadong ospital na ini-refer naman sa Out-patient department.

Samantala, kaagad namang nawalan ng malay ang driver ng motorsiklo na nagtamo ng sugat sa kanyang ulo matapos na tumilapon ang suot nitong helmet.

Sa ngayon ay naka-confine at patuloy pa itong ginagamot sa Aklan Provincial Hospital.