Connect with us

Aklan News

Motorista sugatan dahil sa biglang tumawid na aso

Published

on

Sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng isang motorista matapos na maaksidente dahil sa biglang tumawid na aso sa bahagi ng Linabuan Sur, Banga kagabi.

Ayon sa Banga PNP, nakainom umano ang naturang motorista na mula sa direksyon ng Kalibo papuntang Banga.

Ngunit pagdating sa nasabing lugar ay bigla nalang tumawid ang isang aso kaya’t nabigla ito at tumumba ang minamanehong motorsiklo.

Dahil dito, nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima.

Wala namang iba pang nadamay sa nangyaring aksidente.