Connect with us

Aklan News

Motorista sugatan dahil sa biglang tumawid na aso

Published

on

SUGATAN at nawalan pa ng malay ang isang motorista matapos na maaksidente sa Pook, Kalibo nitong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Joey Tributo, residente ng Baybay, Makato, Aklan.

Ayon sa ulat, mula sa direksyon ng New Washington ang motor at patungo sana ng Poblacion, Kalibo ngunit pagdating sa nasabing lugar ay may biglang tumawid na aso.

Dahil dito, nawalan siya ng kontrol sa pagmamaneho at sumemplang sa gitna ng kalsada.

Agad namang nirespondehan ito ng BFP Kalibo at dinala sa pribadong ospital sa bayan ng Kalibo ang biktima para sa karampatang paggamot.