Aklan News
MOTORISTA, SUGATAN MATAPOS BUMANGGA SA KOTSE


Makato – Sugatan ang isang rider ng motorsiklo matapos aksidenteng bumangga sa isang kotse alas 9:20 kaninang umaga sa Poblacion, Makato.
Nakilala ang 16 anyos na biktimang si Jonel Piano ng Tina, Makato, habang nakilala naman ang driver ng nabangga nitong Honda Civic Sedan na si Johnton Isuga, 31 anyos ng Poblacion, Malinao.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng Makato PNP, galing sa direksyon ng Calangcang papuntang Mantiguib, Makato si Piano nang mabangga umano nito ang kotse na naka signal paliko sana papuntang 7/11 marketing.
Resulta, tumumba ang motorsiklo rason ng tinamong pinsala sa katawan ng biktima.
Kaagad naman itong dinala ng mga taga MDRRMO Makato sa ospital habang minarapat ding dalhin sa Makato PNP station ang motorsiklo at kotse para sa karampatang disposisyon.