Connect with us

Aklan News

Motorista sugatan matapos makabanggaan ng isa pang motor

Published

on

Motorista sugatan matapos makabanggaan ng isa pang motor

Sugat sa ulo at gasgas sa iba pang bahagi ng katawan ang natamo ng isang motorista matapos nitong makabanggaan ang isa pang motor sa Brgy. Calimbajan, Makato nitong Huwebes.

Napag-alaman na 32-anyos ang naturang motorista na residente rin ng nasabing lugar.

Ayon sa MDRRMO Makato, habang binabaybay umano ng biktima ang lugar ay aksidente nitong nakabanggaan ang isa pang motor rason para ito’y matumba.

Agad ding nagresponde sa lugar ang Mdrrmo Makato para bigyan ang biktima ng paunang-lunas bago ito dalhin sa ospital.