Aklan News
Motorista, sugatan matapos sumalpok sa isang bakod sa New Buswang, Kalibo


SUGATAN ang isang motorista habang wasak naman ang harapang bahagi ng motorsiklo matapos na sumalpok sa isang bakod sa New Buswang, Kalibo bandang alas-10:00 nitong umaga, Mayo 19.
Sa inisyal na impormasyon, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ang drayber ng motorsiklo dahilan ng aksidente.
Ayon naman sa isang residente, may kabilisan ang pagmamaneho ng drayber.
Nagtamo ang motorista ng sugat sa kaniyang mukha na agad nagpadala sa ospital.
Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng Kalibo PNP kaugnay ng aksidente. l Ulat ni Arvin Rompe
Continue Reading