Connect with us

Aklan News

Motorista, sugatan matapos sumemplang sa kalsada

Published

on

SUGATAN ang isang rider matapos sumemplang sa minamaneho nitong motorsiklo sa Brgy. Calizo, Balete, nitong hapon Hunyo 3.

Ang driver ay isang menor de edad at hindi pa matukoy kung taga saan sa kadahilanang nawalan ito ng malay matapos ang aksidente.

Ayon kay pssg Chris Mae Zubiaga ng Balete PNP, galing sa Kalibo ang nasabing motorista at papuntang Poblacion, Balete.

Batay sa kanilang imbestigasyon, mabilis ang takbo ng nasabing motorista at nag o-overtake pa ng alanganin sa kasunod na sasakyan dahilan upang sumemplang ito sa lugar.

Nagtamo tama sa ulo at ibat-ibang parte ng katawan ang rider na agad isinugod ng MDRRMO Balete sa Provincial Hospital para sa kaukulang panggagamot.

Agad namang rumesponde ang Balete PNP sa lugar at ngayon ay patuloy pa ang kanilang imbestigasyon sa nangyaring aksidente. I Ulat ni Jisrel Nervar