Aklan News
Motorista sumemplang sa madulas na kalsada sa Balete; isa pang motorsiklo nadamay


Sumemplang ang isang motorsiklo matapos madulas sa kalsada sa Sitio Bang-Bang, Balete, Aklan nitong hapon ng Mayo 6.
Nadamay pa nito ang kasalubong na isa pang motorsiklo.
Batay sa ulat ng Balete Municipal Police Station, minamaneho ng isang 34-anyos na lalaki mula sa Malay, Aklan ang unang motorsiklo na sumemplang.
Ayon sa imbestigasyon, pauwi na sana ito mula sa bayan ng Balete patungong Malay.
Kasunod nito, nasalpok ng motorsiklo ang kasalubong na motor na minamaneho naman ng isang 40-anyos na lalaki, residente ng Aranas, Balete.
Sa ulat, nawalan umano ng kontrol ang 34-anyos na motorista dahil sa madulas na bahagi ng kalsada dulot ng ulan.
Pawang minor injuries lamang ang tinamo ng dalawang motorista.
Dumulog naman ang dalawang rider sa Balete MPS para ayusin ang insidente. l Ulat ni Jisrel Nervar
Continue Reading