Connect with us

Aklan News

Motoristang manyakis, dinakma ang dibdib ng isang 22 anyos na dalaga habang naglalakad

Published

on

Humihingi ng tulong ang isang 22 anyos na dalaga para mabigyan ng leksyon ang isang motoristang nandakma ng kanyang dibdib habang naglalakad sa kalsada.

Kwento ng dalaga sa Radyo Todo, nangyari ang insidente nitong Enero 28, 2023 habang naglalakad sila ng kanyang tiyahin pasado alas-4:00 ng umaga sa may likod ng St. Jude Chapel.

Nakasalubong raw nila ang suspek habang papunta sila ng tindahan.

“Nagbaktas kami ni tita mga 4am, tas kat may nakita kami nga eaki nga naka black it Rusi, tas naka black imaw it helmet, anang padaeagan it motor hay mahinay eata gid ag kat dato nga gapaeapit eon imaw kamon sir hay gulpi eata nana nga gindakma ro ang dughan,” pahayag nito.

Walang nagawa ang biktima at ang tiyahin nito kundi sumigaw ng “manyakis” habang ang suspek naman ay dumiretso sa pagmaneho ng motorsiklo palayo.

Hindi rin daw nila namukhaan ang suspek mga nasa edad 40 anyos dahil madilim ang lugar at nakasuot ito ng helmet.

Minabuti na lang ng dalawa na magpa-blotter sa kapulisan dahil hindi ito ang unang beses na nangyari ang insidente.

Nabatid kasi na ganito rin ang nangyari sa kanyang tiyahin noon na hindi nila inaasahang mangyayari ulit.

Payo din niya sa mga kababaihan na, “Para sa tanan nga nagapaeamati, lalo na gid sa mga bayi una, iwasan gid naton nga magbaktas nga isaeahanon.”