Connect with us

Aklan News

Motoristang nakainom, sumalpok sa tricycle sa Banga

Published

on

Sugatan ang isang motorista matapos sumalpok sa kasunod na tricycle sa bahagi ng Brgy. Bacan, Banga dakong alas- 9:10 kagabi.

Kinilala ang motorista na si Jobel Mestidio, 22- anyos, residente ng Brgy. Taba-ao, Banga na napag-alamang nasa impluwensya ng nakalalasing na alak.

Habang ang tricycle driver naman ay si Allan Francisco, 31-anyos na residente naman ng nasabing lugar kasama ang isa nitong sakay.

Batay sa imbestigasyon ng Banga Pnp, magkasunod umano ang mga ito nang biglang sumalpok sa likurang bahagi ng tricycle ang naturang motorsiklo.

Dahil sa lakas ng impact, dumeretso naman ang tricycle sa isang sementadong bahagi sa gilid ng kalsada at doon bumangga.

Tumilapon ang si Mestidio kaya’t nagtamo ito ng mga sugat sa mukha at katawan.

Gasgas naman sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang tinamo ni Francisco at ng isa nitong sakay.

Agad dinala sa Aklan Provincial Hospital ang nga sangkot habang ikinustodiya naman ng Banga Pnp ang kanilang motor at tricycle.