Aklan News
Motoristang nakainom umano’y nakipagkarera, sumalpok sa palikong SUV


SUGATAN ang isang motorista matapos na sumalpok sa palikong SUV sa Brgy. Estancia, Kalibo bandang alas-10:18 ng gabi nitong Miyerkules.
Ang hindi na pinangalanang motorista ay 20-anyos na residente ng Brgy. Sigcay, Banga at nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin.
Sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, mula sa bahagi ng Banga ang motorista at papuntang Kalibo ang direksiyon.
Nakikipagkarerahan pa umano ito sa isa pang motorsiklo ngunit pagdating sa lugar ay sumalpok ito sa papalikong SUV na minamaneho naman ng 53-anyos.
Dahil sa impact, nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang naturang motorista na agad isinugod sa Provincial Hospital para sa kaukulang pagpapagamot.
Sa ngayon, impound ang sasakyan ng dalawang sangkot para sa karagdagang imbestigasyon. l Ulat ni Arvin Rompe
Continue Reading