Connect with us

Aklan News

Motoristang nawalan ng kontrol sumalpok sa tricycle

Published

on

Sumalpok sa tricycle ang isang motorista matapos itong mawalan ng kontrol sa kaniyang minamanehong motorsiklo dakong alas-7:00 ng umaga ngayong araw sa National Highway, Brgy. Estancia, Kalibo.

Kinilala ang motoristang si Jevie Crispino, 34-anyos residente ng Brgy. Mina, Lezo at ang tricycle driver na si Jodel Zonio, 44-anyos at residente naman ng Calachuchi Road Brgy. Andagaw, Kalibo.

Batay sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, nagmula sa direksyon nga Brgy. Tigayon, Kalibo si Crispino papuntang Poblacion ngunit pagdating nito sa may Estancia, Kalibo partikular sa may harap ng Rice Mill ay aksidente itong nawalan ng kontrol sa kaniyang motorsiklo dahil sa madulas na daan.

Dahil dito, lumihis ang nasabing motorsiklo at napadpad sa kabilang linya ng kalsada kung saan ay sumalpok ito sa nakasalubong na tricycle dahilan para ito ay matumba.

Nagtamo ang motoristang si Crispino ng mga sugat sa bahagi ng kaniyang paa na agad ring ginamot ng MDRRMO Kalibo.

Samantala, dinala naman sa Kalibo MPS ang mga sangkot para sa kaukulang disposisyon.