Aklan News
Motorized tricycle, di na pwedeng bumiyahe sa Boracay simula ngayong araw
Simula ngayong October 1, wala ng motorized tricycle ang pwedeng bumiyahe sa isla ng Boracay.
Ito ay dahil ipinatupad na kasabay ng Boracay opening ang full implementation ng E-trike Program ng LGU Malay alinsunod sa layunin ng pamahalaan na maging environment-friendly ang transportasyon sa pamosong isla.
Batay sa Executive Order No. 031 ni Malay Municipal Mayor Frolibar Bautista, July 15, 2020 ang deadline ng pagpasa ng aplikasyon ng mga lehitimong tricycle franchise holders para makapasok sa E-trike Program ng pamahalaan.
Pero nagbigay sila ng dalawang buwan na palugit bago ipatupad ang full implementation nito bilang konsiderasyon dahil sa COVID-19 pandemic.
Una nang naantala ang implementasyon ng total phase-out ng mga de gasolinang traysikel nitong buwan ng Enero dahil sa kawalan ng supply sa kuryente dulot ng hagupit ng bagyong Ursula.