Connect with us

Aklan News

MOTORSIKLO, BUMANGGA SA BARRIER-MAG-ASAWANG RIDER, SUGATAN

Published

on

Numancia – Sugatan ang mag-asawang rider ng motorsiklo matapos aksidenteng bumangga sa barrier alas 6:20 kagabi sa highway ng Laguinbanwa East, Numancia.

Nakilala ang mag-asawang sina Joven Ortega, 28 anyos at Gresza Ortega, 29 anyos ng Cajilo, Makato.

Base sa imbestigasyon ng Numancia PNP, nagmomotorsiklo pauwi galing sa Bulwang, Numancia ang dalawa nang bumangga ang mga ito sa barrier ng DITO Telcom.

Lumalabas pa sa imbestigasyon na madilim ang lugar na pinangyarihan ng akisdente kung kaya’t hindi umano nila napansin ang nasabing barrier.

Sanhi nito, nag-crash sa kalsada ang motorsiklo na siya namang ikinasugat ng dalawa.

Kaagad rumesponde ang mga taga MDRRMO at dinala sa pagamutan ang dalawa.

Napag-alaman na muling sinemento ang hinukay na bahagi ng kalsada subalit hindi pa umano tinatanggal ang mga bato at barrier doon na siyang isa sa itinuturong rason ng aksidente.