Aklan News
Motorsiklo bumangga sa kotse, 69 anyos na driver patay


Binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital ang isang senior citizen matapos bumangga ang kanyang minamanehong motorsiklo sa isang kotse alas 10:50 ng umaga kahapon sa Barangay Laguinbanua West, Numancia.
Kinilala ang driver ng motor na si Marcelo Pelingon, 69 anyos ngTamalagon, Tangalan habang kinilala naman ang driver ng kotse na si Rodolfo Laurente ng Laguinbanua West, Numancia.
Sa imbestigasyon ng Numancia Pnp, parehong papuntang Kalibo ang direksyon ng dalawa at pagdating sa nasabing lugar ay lumiko sa kaliwang bahagi ng kalsada ang kotse ngunit hindi ito namalayan ng biktima dahilan na bumangga ang kanyang motorsiklo.
Nagtamo ito ng sugat sa kanyang ulo at ibang bahagi ng katawan sanhi ng kanyang pagkamatay.
Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng Numancia Pnp para sa karampatang disposisyon.