Connect with us

Aklan News

MOTORSIKLO, BUMANGGA SA SASAKYAN, 2 SUGATAN

Published

on

Dalawa ang sugatan matapos umanong bumangga sa isang pribadong sasakyan ang isang motorsiklo bandang alas 8:00 kagabi sa Sitio Saugan, Tambak, New Washington.

Nakilala ang mga biktimang sina Jeryl De Juan Ambrocio at angkas nitong nakilala lamang kay Christine Joy Aurelio.

Base sa imbestigasyon ng New Washington PNP, galing sa inuman sa Briones Kalibo si Ambrocio , subalit nagkayayaan pa umano sila ng ilang kasamang mag-inuman pa sa New Washington.

Subalit aksidente umanong bumangga sa sinusundan nilang Toyota Wigo ang motorsiklo pagdating sa bahagi ng Barangay Tambak.

Sanhi nito, kapwa nagtamo ng pinsala sa katawan sina Ambrocio at kanyang angkas na kaagad namang dinala sa pagamutan.

Maliban kay Ambrocio, nabatid na nakalabas naman ng ospital ang kanyang angkas.

Samantala, hiniling naman umano ng driver ng Toyota Wigo na huwag na siyang pangalanan kahit nagtamo rin ng pinsala ang minamaneho niyang sasakyan.

Lumalabas pa sa imbestigasyon na mabilis ang takbo ng nasabing motorsiklo na naging sanhi ng aksidente.