Connect with us

Aklan News

Motorsiklo bumangga sa SUV sa bahagi ng 19 Martrs St. COrner Veterans Avenue, driver at angkas sugatan

Published

on

SUGAT SA ULO at ibat-ibang bahagi ng katawan ang natamo ng drayber ng motor at angkas nito matapos na sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa isang SUV sa may XIX Martyrs corner Veterans Avenue ngayong Miyerkules ng gabi.

Ayon sa ilang mga saksi, binabaybay ng kotse ang daan patungong plaza nang bigla na lamang sumulpot ang motor na matulin ang takbo.

Dahil sa nangyari, nagtamo ng sugat sa ulo at ibat-ibang parte ng katawan ang dalawang sakay ng motor at maswerte namang walang nasugatan sa mga sakay ng sasakyan.

Nasira naman ang kanang bahagi ng sasakyan dahil sa malakas ang pagkabangga ng motor.

Nirespondehan naman agad ng MDRRMO Kalibo ang mga sugatan at dinala sa Aklan Provincial Hospital.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng Kalibo PNP sa nangyaring aksidente.