Aklan News
Motorsiklo bumangga sa tricycle 2 sugatan


Sugatan ang dalawang lalaki matapos bumangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa naka salubong nitong tricycle alas 10 kagabi sa Barangay Polo. Ibajay.
Kinilala ang driver ng motorsiklo na si John Jonggay, 36 anyos at angkas nito na si alyas Dodoy ng Colong-Colong, Ibajay.
Galing ang dalawa sa kapatid ni Jonggay sa Laguinbanwa, Ibajay para mag inuman at ng pauwi na ang mga ito sakay ng kanilang motor at pagdating sa Barangay Polo ay nawalan ito ng control at bumangga sa nakasalubong nitong tricycle.
Nagtamo ang dalawa ng sugat sa kanilang katawan at ngayon ay ginagamot sa Provincial Hospital.
Continue Reading