Connect with us

Aklan News

MOTORSIKLO, BUMANGGA SA TRUCK, ARMY AT KANYANG ANGKAS, SUGATAN

Published

on

Banga – Sugatan ang isang miyembro ng Philippine Army at kanyang angkas matapos aksidenteng bumangga sa truck ang sinasakyan nilang motorsiklo bandang ala 1:00 kaninang madaling araw sa highway ng Libas, Banga.

Nakilala ang mga biktimang sina Private 1st Class Dexter Camarao, 28 anyos na assigned sa Camp Jismundo, Banga, at ang angkas nito sa motorsiklo na si Romelo Belloca, 25 anyos ng Poblacion, Tapaz, Capiz.

Base sa inisyal na imbistigasyon ng Banga PNP, galing sa Poblacion, Banga ang dalawa papuntang Libas nang aksidenteng bumangga sa likurang bahagi ng truck na minamaneho naman ni Jonel Patricio, 38 anyos ng Guinbaliwan, New Washington, na galing naman sa direksyon ng Balete.

Resulta, sumemplang sa kalsada ang motorsiklo rason naman ng mga tinamong sugat sa ulo at katawan ng mga biktima.

Kaagad silang dinala sa ospital habang ikinustodiya pansamantala ng Banga PNP ang driver ng truck na si Patricio para sa karampatang disposisyon.

Nabatid pa sa imbistigasyon na nasa impluwensiya umano ng alak ang mga biktima nang mangyari ang insidente.