Aklan News
Motorsiklo nabangga ng ambulansya, driver sugatan
Sugatan ang isang rider ng motorsiklo matapos aksidenteng mabangga ng ambulansya mag-aalas 7:00 kagabi sa traffic light ng Pastrana St., at Roxas Avenue St., Poblacion, Kalibo.
Nakilala ang biktimang rider na si Gelien Ingall, 25 anyos ng Bachao Norte, Kalibo, habang nakilala naman ang driver ng ambulansya ng Malay na si Doroteo Estilloso, 45 anyos ng Cubay Norte, Malay.
Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP Traffic Section, galing sa Malay ang ambulansyang may pasyente na ihahatid sana sa provincial hospital.
Naka red light na umano noon ang traffic light, ngunit nagpatuloy parin umano ang ambulansya, rason na nabangga nito ang nagmomotorsiklong si Ingall, na nagkataong naka green naman ang traffic light sa kanyang direksyon galing sa J.Magno St.
Resulta, nagtamo ng mga sugat sa katawan ang biktima na kasalukuyang naka confine sa ospital.
Samantala, nagkita naman sa provincial hospital ang driver ng ambulansya at ang ina ng biktima, at doon nagkasundong pag-usapan ngayong umaga sa Kalibo PNP Station ang magiging disposisyon nila sa insidente. Kaugnay pa nito, hindi na ikinostodiya pa ng mga pulis ang driver ng ambulansya at hindi inimpound ang nasabing sasakyan.