Connect with us

Aklan News

Motorsiklo nasagi ng Ceres bus, babaeng motorista sugatan at naka-ICU

Published

on

File Photo: Radyo Todo Aklan

Sugat sa ulo ang tinamo ng isang babaeng motorista matapos itong masagi ng ceres bus sa bahagi ng Brgy. Poblacion, Banga dakong alas-7:50 kagabi.

Napag-alaman na 35-anyos na residente ng Brgy. Sigcay, Banga ang babaeng motorista habang ang driver naman ng bus ay 38-anyos na taga Guimaras.

Batay sa imbestigasyon ng Banga PNP, magkasunod umano ang dalawang sasakyan nang akma sanang liliko ang motor pero sakto namang nag-overtake ang bus rason para masagi ito.

Natanggal at tumilapon ang helmet ng babaeng motorista dahil sa pagkatumba kaya’t nagtamo ito ng sugat sa ulo.

Agad dinala ang biktima sa ospital na ngayon ay naka-ICU parin.

Samantala, ikinustodiya naman ng Banga pnp ang driver ng bus ngunit ine-release din matapos na magkaroon ng settlement sa pagitan nila ng pamilya ng biktima.