Connect with us

Aklan News

Motorsiklo sa Balete, ninakaw; Lalaking kumuha, nakita sa Kalibo na dala ang motor

Published

on

Ninakaw ang isang motorsiklong smash suzuki na kulay puti ng umano’y kabaranggay din ng may-ari sa Brgy. Cortes, Balete nitong Lunes, September 23.

Batay sa kwento ng may-ari na si Jaypee Nepomuceno, 23-anyos, nakaparada aniya ang kanyang motorsiklo sa gilid ng kanilang bahay nang umalis lang ito saglit para bumili sa tindahan.

Ngunit pagbalik ay wala na ang motorsiklo at tinangay umano ng 21 anyos na lalaki na residente rin ng naturang lugar.

Hinala ni Nepomuceno, pumasok ang lalaki sa kanilang bahay at kinuha ang susi para madala ang motorsiklo.

Samantala, ngayong araw ay nakatanggap naman sila ng impormasyon na nasa Kalibo umano ang tumangay nito at gamit-gamit ang nasabing motorsiklo.

Nananawagan ngayon ang may-ari na isauli na lang ang motor gayundin sa kung sino man ang makakitang dala ang motorsiklo ay ipag-bigay alam sa numerong 09487061913.