Connect with us

Aklan News

Motorsiklo sa Libacao, umano’y ninakaw

Published

on

Ninakaw ang isang motorsiklo na nakaparada sa labas ng isang bahay kaninang umaga sa Libacao.

Sa post ng may-ari, nakaparada lang umano ang motorsiklo nito na Honda RS 125 sa labas ng kanilang bahay malapit sa may Aklan River kagabi.

Ngunit paggising niya kaninang umaga ay doon napansin na wala na ang motor.

Sari-saring emosyon naman ang naramdaman ng may-ari sa nangyari kung saan kahit malakas ang buhos ng ulan ay nagagawa paring manalasa ng mga kawatan.

Sa ngayon ay naiparecord na ito sa Libacao Municipal Police Station para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading