Aklan News
MOTORSIKLO, SINALPOK NG 1 PANG MOTORSIKLO, 4 SUGATAN
Apat ang sugatan matapos aksidenteng mabangga ng motorsiklo ang isa pang motorsiklo, alas 5:20 kaninang hapon sa Calangcang, Makato.
Sa report ng Makato PNP, nabatid na 17-anyos lamang ang driver ng isang motorsiklo na taga Calangcang, Makato, at 15-anyos naman ang kanyang angkas na taga Mantiguib, Makato.
Nakilala naman ang mag-asawang sakay ng nakabanggang motorsiklo na sina Junnel Besmonte, 29-anyos, driver, at Sarah Besmunte na kanyang angkas, kasama ang 4 at 1 taong gulang nilang anak.
Base sa imbestigasyon ng pulisys, nagmo-motorsiklo patawid sa kabilang kalsada ang mga menor de edad na rider nang aksidenteng mabangga ng mag-asawa.
Sa pagkakasapol sa gitnang bahagi ng motorsiklo ng mga menor de edad, sumemplang ang mga ito sa kalsada na siyang dahilan ng mga tinamo nilang sugat sa katawan.
Maswerte namang di nasugatan ang 4 na taong gulang na bata.