Aklan News
Motorsiklo sumalpok sa kasalubong na bus; Driver ng motor, patay


Patay ang driver ng isang motorsiklo matapos itong bumangga sa kasalubong na bus sa bahagi ng diversion road sa bayan ng Lezo, alas-10:30 ng umaga nitong Linggo.
Ang hindi na pinangalanang biktima ay 32-anyos at residente ng Malinao, Aklan.
Sa panayam ng Radyo Todo sa konduktor ng bus, mabilis umano ang takbo ng motorsiklo at hindi nito napansin ang papasok na bus sa crossing dahilan ng aksidente.
Napag-alaman na mula sa Poblacion, Numancia ang motorsiklo habang mula naman sa diversion Tigayon ang nasabing bus.
Agad namang isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Lezo PNP ang driver ng bus habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga kapulisan sa nangyaring aksidente.