Connect with us

Aklan News

MOTORSIKLO, SUMALPOK SA KOTSE, RIDER SUGATAN

Published

on

Kalibo – Sugatan ang isang rider ng motorsiklo matapos aksidenteng sumalpok sa isang kotse sa Andagao, Kalibo pasado alas 5:00 nitong hapon.

Bagama’t hindi na muna pinangalanan ng Kalibo PNP, nabatid na 27 anyos ang biktimang rider ng motorsiklo na taga Camaligan, Batan, habang 28 anyos naman ang driver ng kotse na taga Caano, Kalibo.

Base sa imbestigasyon ng pulis, nabatid na kapwa patungo sa direksyon ng New Washington ang dalawa, subalit bigla umanong nag-U-turn ang kotse, rason na sumalpok doon ang humaharurot na motorsiklo.

Resulta, nagtamo ng sugat sa katawan ang biktima na kaagad namang dinala sa ospital.

Samantala, hinihintay naman ng pulis ang resulta ng pakikipag-usap ng magkabilang panig para sa posobleng pag-areglo.

Continue Reading