Aklan News
Motorsiklo, sumalpok sa tumatawid na tricycle; tatlo, sugatan


SUMALPOK ang isang motorsiklo sa tumatawid na tricycle sa Brgy. Tabayon, Banga, Aklan noong gabi ng Martes, Hunyo 3.
napag-alaman na ang driver ng motorsiklo ay isang 29-anyos at residente naman ng Mataphao, New Washington, angkas ang magpinsan na 17-anyos na lalaki, at 19-anyos na kapwa residente ng Balete, Aklan.
samantala, ang driver ng traysikel naman ay isang 49-anyos at residente naman ng new Buswang, Kalibo.
batay sa inisyal na impormasyong nakalap ng radyo todo aklan, galing sa libas, banga ang nasabing tricycle at tumatawid na sa bahagi ng kalsada sa Brgy. Tabayon nang mangyari ang aksidente.
doon na aksidenteng sumalpok ang nasabing motorsiklo sa tricycle.
nagtamo ng matinding tama sa mata isang sakay ng motorsiklo na naging sanhi ng labis na pagdurugo, habang nagtamo naman ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang pinsan nito.
ang driver naman ng motorsiklo ay nagtamo rin ng sugat sa noo.
agad na dinala ng mdrrmo banga ang mga biktima sa Aklan provincial hospital, kung saan sila ay patuloy na nagpapagaling.
samantala, kasalukuyan pang nasa kustodiya ng banga municipal police ang drayber ng traysikel at hinihintay ang magiging disposisyon ng pamilya ng mga sakay ng motorsiklo. | ulat ni Jisrel Nervar