Connect with us

Aklan News

Motorsiklong drinive test ng mekaniko, biglang lumiyab sa Caano diversion, Kalibo

Published

on

Lumiyab ang isang motorsiklo matapos i-drive test ng mekaniko sa Caano diversion, Kalibo bandang alas-7 nitong gabi ng Hunyo 10.

Ayon sa inisyal na impormasyon mula sa BFP Kalibo, ang motorsiklo ay isang Kawasaki NS 200.

Pinaayos umano ito ng may-ari sa kanyang mekaniko at drinive test sa nasabing lugar.

Sa pahayag naman ng mekaniko, biglang may pumutok sa ilalim na parte ng motorsiklo at doon na nagsimulang lumiyab.

Nagtala naman ng mahigit P60,000 na danyos ang naiwan ng pagkasunog.

Mabuti naman at hindi nasugatan ang mekaniko na driver ng motorsiklo.

Samantala sinubukan namang kuhaan ng radyo todo team ang driver at may-ari ng motorsiklo ngunit tumanggi muna silang magbigay ng pahayag.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng kalibo pnp at BFP Kalibo sa nangyaring insidente. | ulat ni Jisrel Nervar