Connect with us

Aklan News

Motorsiklong itinakas ng dalawang suspek na umano’y construction worker, inabandona sa may tangke

Published

on

ITINAKAS AT INABANDONA ng dalawang suspek ang isang motorsiklo sa bahagi ng Pook Tugbungan, Kalibo ngayong Lunes.

Ayon sa Kalibo PNP, unang naireport sa kanila na pasado alas-12 ng hatinggabi ay may nangyaring komosyon sa Pook Jetty Port kung saan nag-iinuman ang may-ari ng motor na 20 anyos at ang 4 pa nitong kasama.

Dagdag pa nito, dumating umano ang dalawang lalaki na umano’y construction worker at nakipag-inuman rin sa kanila.

Pero nauwi ito sa mainitang diskusyon kaya bumunot ng kutsilyo ang isa sa mga construction worker at hinabol ang mga ito.

Agad namang tumakbo ang mga biktima, ngunit sinakyan ng mga suspek ang motorsiklo ng 20-anyos at itinakas ito papunta sa direksyon ng Caano, Kalibo.

Samantala, kaninang umaga ay nakatanggap ng ulat ang mga pulis na mayroong motorsiklo na inabandona sa may tangke sa Pook Tugbugan.

Kinumpirma naman ng may-ari ng motor na sa kanya ito.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng Kalibo PNP ang motorsiklo habang nagsasagawa naman ng imbestigasyon ang mga ototidad para matukoy ang pagkakakilanlan ng dalawang mga suspek.