Aklan News
Motorsiklong matulin ang takbo, sumalpok sa nag u-turn na van sa Numancia
SUMALPOK sa nag u-turn na L300 Van ang isang motorsiko sa Laguinbanwa, West, Numancia nitong Huwebes ng umaga.
Sa panayam ng Radyo Todo sa 24-anyos na drayber ng motor na kinilalang si Delhon Bacyan, mula umano siya sa Makato at papunta sa kaniyang trabaho sa Kalibo nang mangyari ang aksidente.
Aminado si Bacyan na mabilis ang kaniyang pagpapatakbo dahil late na ito sa kaniyang trabaho.
Hindi niya umano napansin ang nag-uturn na van na minamaneho ng 73-anyos na lalaki kaya nasalpok niya ito.
Agad namang nirespondehan ng MDRRMO Numancia ang nasabing aksidente at binigyan ng paunang lunas ang drayber ng motor dahil sa tinamo nitong sugat.
Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng Numancia PNP sa nangyaring aksidente.
Continue Reading