Aklan News
MOTORSIKLONG NAG-OVERTAKE, BUMANGGA SA WING VAN
Tangalan – Sugatan ang isang rider ng motorsiklo at 2 niyang angkas matapos aksidenteng bumangga sa wing van nang mag-overtake bandang alas 11:45 ng tanghali kahapon sa Tondog, Tangalan.
Nakilala ang mga biktima na sina Rafael Relente, 25 anyos ng Fulgencio Sur, Balete, at mga angkas nito na sina Bryan Rocio, 21 anyos ng Calizo, Balete, at Gem Ryan Detera, 19 anyos ng Feliciano, Balete.
Base sa imbiestigasyon ng Tangalan PNP, galing sa Kalibo ang wing van, nang lumiko pakaliwa sa bypass road papuntang Ibajay, nang mag-overtake umano dito ang nasabing motorsiklo.
Dahil dito, aksidente silang bumangga sa kaliwang bahagi ng truck at sumemplang sa kalsada, rason naman ng mga sugat at pinsala nila sa katawan.
Kaagad naman silang dinala sa ospital, habang naka impound sa Tangalan PNP Station ang wing van at motorsiklo para sa karampatang disposisyon.