Aklan News
Motorsiklong naka-park, pinagdiskitahan


Pinagdiskitahan ng hindi pa nakikilalang indibidwal o mga indibidwal ang motorsiklong naka-park sa labas ng bahay sa bahagi ng Rizal St., Poblacion, Kalibo.
Ayon sa may-ari na tumangging magpakilala, 30-anyos, bandang alas-6:14 ng umaga nitong lunes nila natuklasan ang insidente.
Butas na ang seat cover at foam ng kanyang motorsiklo na tila nilaslas gamit ang matalas na bagay.
Samantala, minabuti na lamang nitong ipa-rekord ang nangyari sa Kalibo Municipal Police station para sa kaukulang imbestigasyon.| ulat ni Arvin Rompe
Continue Reading