Connect with us

Aklan News

Motorsiklong nakaparada sa Pook jetty port, sinipa; tsinelas ng isa, naiwan

Published

on

‎Naiwan pa ang tsinelas ng isa sa mga indibidwal na sinadyang sipain ang motorsiklong naka-park sa bahagi ng Pook jetty port nitong madaling-araw ng miyerkules, Mayo 28.

‎sa salaysay ng 22-anyos na babae na taga-lapnag, Banga, ipinarada nito ang motorsiklo sa bahagi ng food stall area sa lugar bago mag-jogging.

‎pagkalipas ng ilang minuto, nakita nito ang limang indibidwal na naka-motorsiklo na lumapit sa kaniyang motorsiklo saka tinadyakan ito ng isa sa kanila.

‎naiwan pa sa lugar ang tsinelas ng sumipa sa kanyang motor.

‎dahil sa insidente, nangamaba at nakaramdam ng takot ang 22-anyos na babae.

‎samantala, pumaharurot naman ng motorsiklo ng mga indibidwal na pinaniniwalaang mga menor-de-edad.

‎sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng Kalibo PNP upang matukoy ang mga salarin sa insidente. l ulat ni Arvin Rompe