Connect with us

Aklan News

Motorsiklong papunta sanang ospital, sumalpok sa vios; drayber pat*y habang 2 angkas, sugatan

Published

on

‎DEAD-ON-ARRIVAL sa ospital ang isang motorista habang sugatan naman ang dalawang angkas nito matapos sumalpok sa isang Vios sa bahagi ng Brgy. Lupo, Altavas bandang alas-3:00 nitong hapon ng Linggo.
‎Ang hindi na pinangalanang drayber ay edad 45-anyos at angkas nito ang isang 42-anyos na babaeng may hika at isang 28-anyos na lalaki na pawang mga residente ng Lucero, Jamindan, Capiz.
‎Ang kotse naman ay minamaneho ng 28-anyos na babae na taga-Catmon, Altavas.
‎Sa imbestigasyon ng Altavas PNP, mula ang motorsiklo sa Jamindan, Capiz at papunta sanang ospital.
‎Pagdating umano sa pakurbada ay sinasabing lumagpas ang motorsiklo sa linya ng kalsada dahilan upang sumalpok ito sa kasalubong na vios.
‎Isinugod pa ng mga rumespondeng MDDRMO-Altavas sa Altavas District Hospital ang rider pero agad ideklarang dead-on-arrival ng attending physician.
‎Samantala, inilipat naman sa Provincial Hospital ang dalawang angkas ng motorsiklo na parehong mga sugatan.
‎Sa ngayon ay nasa kustodiya pa ng Altavas Municipal Police Station ang drayber ng Vios. l Ulat ni Arvin Rompe