Connect with us

Aklan News

Murang mga produkto, dinayo sa farmers and fisherfolks market day sa Capitol

Published

on

File Photo: Mary Ann Solis/Radyo Todo
Nagsagawa ang Office of the Provincial Agriculturist ng Farmers and Fisherfolks Market Day sa Capitol Site, para matulungan ang mga magsasaka na makapag benta ng kanilang mga produkto.
Ayon kay Engr. Alexys Apolonio, Provincial Agriculturist, hangad nila na matulungan ang mga magsasaka na mas mapabuti ang kanilang produksyon at pati na pagdating sa marketing, para magkaroon sila ng mga negosasyon sa mga may-ari ng restaurants o iba pang establisyemento na nangangailangan ng kanilang produkto.
Katunayan aniya, matagal na nilang nasimulan ang market day pero natigil ito dahil sa pandemya.
Sa ngayon, dry good products muna ang kanilang ibinebenta sa market day pero target raw nila sa susunod ang mga produkto sa Libacao gaya ng karne ng baka.
May be an image of 6 people, people standing and outdoors
Posible rin daw na mas mura ang mga paninda sa market day dahil deretso itong mabibili sa mismong mga magsasaka.
Ito ang unang araw ng market day na gagawin tuwing katapusan ng buwan.
Binabalak din ng Provincial Agriculturist Office na gawin ang programa tuwing kinsenas at katapusan.