Aklan News
NAKA-STOCK NA GOMA, NASUNOG


Kalibo – Naalarma ang ilang residente ng Linabuan Norte, Kalibo matapos masunog ang mga naka stock na goma sa compound na pagmamay-ari ni Ananias ‘Antoy’ Solina.
Base sa imbestigasyon ni Kalibo BFP Chief Joseph Cadag, tinatayang nagsimula ang sunog bandang alas 2:50 nitong hapon matapos umanong magsiga doon si Jolito Madrazo, alyas ‘Buskad’ mismong helper/labor ng pamilya Solina.
Swerte namang naagapan ng mga bombero ang sunog, kasama ang ilan pang rescuers at wala ring nasugatan sa insidente.
Kinumpirma naman ni Solina na hindi na ginagamit ang mga nasunog na goma, at pinapakuha niya rin umano ang mga ito sa mga mangingisda para magamit bilang artificial reef, subali’t hindi naman umano natutuloy.
Samantala, ideklarang fire out ang sunog alas 3:10 nitong hapon.