Connect with us

Aklan News

Nakaparadang kotse nasagi ng motoristang lasing

Published

on

Puno ng gasgas ang isang kotse matapos itong masagi ng motoristang lasing sa national highway Brgy. Estancia, dakong alas 2:35 kaninang madaling-araw.

Kinilala ang may-ari ng kotse na si Jx Buyoc, residente ng Brgy. Nalook, Kalibo at ang motoristang si Rey Fortin na taga Libas, Banga.

Batay sa imbestigasyon ng Kalibo Pnp, mula umano si Fortin sa direksyon ng Pob. Kalibo papuntang Tigayon ng nasagi nito ang nakaparadang kotse sa nasabing lugar partikular sa may unahan ng Panay Hospital. Samantala, napag-alaman na itong motorista ay nasa ilalim ng impluwensya ng alak ng mangyari ang aksidente.

Dahil dito, napuno ng gasgas ang nasabing kotse at nasira ang sidemirror nito habang ang motorista naman ay nagtamo ng mga sugat sa katawan na agad namang ginamot.

Agad ring dinala ng Kalibo PNP ang nga sangkot sa Kalibo MPS para sa karampatang disposisyon.