Connect with us

Aklan News

Nakaparadang Suzuki Carry Utility Vehicle nahagip ng tricycle

Published

on

Napuno ng gasgas ang Suzuki Carry Utility Vehicle na nakaparada sa gilid ng kalsada sa may Magdalena Village, New Buswang matapos na aksidente itong mahagip ng isang tricycle dakong alas- 3:45 ng hapon nitong Sabado.

Kinilala ang may-ari ng suzuki carry utility na si Gerwin John Taytay, 33-anyos residente ng Brgy. Tamalagon Tangalan at ang driver naman ng tricycle na si Reynaldo Capao.

Napag-alaman na mula sa direksyon ng New Buswang at papunta sa Calachuchi road ang nasabing tricycle  ng aksidente nitong mahagip ang nasabing nakaparadang sasakyan.

Nagtamo ng mga gasgas sa iba’t-ibang bahagi ang nasabing sasakyan ni Taytay habang may sira din sa may sidewheel ang tricycle.

Sa ngayon, ay naka-record na ito sa Kalibo Pnp para sa karampatang disposisyon.