Connect with us

Aklan News

Nakatiwangwang na pabahay sa Tangalan, di pa naturn-over ng NHA sa LGU – Mayor Fuentes

Published

on

Hindi pa naituturn-over ng National Housing Authority (NHA) sa lokal na pamahalaan ng Tangalan ang Housing Project para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda noong 2013.

Inirereklamo ito ng mga residente dahil makalipas ang mahigit walong taon ay hindi pa rin mapakinabangan ang nakabinbin na proyekto.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Mayor Gary Fuentes, isiniwalat niya na 298 units palang ang nakatayo mula sa target na 510 housing units.

Hindi umano dumaan sa lokal na pamahalaan ang naturang proyekto.

Batay sa alkalde, direkta ito mula sa NHA kaya sa Manila ginawa ang bidding ng proyekto at ang parte lang ng LGU ay ang mag-isyu ng building permit.

Kumpleto naman aniya ito sa mga dokumento at may Environmental Compliance Certificate kaya wala silang dahilan para tanggihan ang proyekto.

Sinabi pa ni Fuentes na mayroon na silang listahan ng mga benepisyaryo na binase nila sa criteria na mula sa NHA.

Kaugnay nito, nilinaw din niya na hindi pagmamay-ari ng kanilang pamilya ang lupang pinagtayuan ng mga housing unit gaya ng pinaniniwalaan ng iba.

Gumawa na rin aniya siya ng sulat sa NHA para malaman kung kailan matatapos ang proyektong matagal nang inaabangan ng mga residente.

“Sa mga pamueuyo kapin gid sa mga recipients nga nagahueat sa pabahay, aton anay nga klarohon sa NHA nga opisina kung ano gi ro status ag kung hi-turn over mat-a nanda katon nga sakto sa nakabutang nga kontrata hay immediately aton ra nga ipanupod sa mga beneficiaries,” saad ni Fuentes. |MAS