Connect with us

Aklan News

“Nalulungkot ako” – Cong. Hareso sa pagtakbo ni Ex-Gov. Joeben Miraflores laban sa kanya

Published

on

NALUNGKOT si Congressman Teodorico “Ted” Haresco sa naging desisyon ni dating Governor Joeben Miraflores na tumakbo at kalabanin sya sa pagka-kongresista sa ikalawang distrito ng Aklan.

Nitong Martes, isang oras bago nagtapos ang pagtanggap ng Comelec ng Certificate of Candidacies, humabol si Miraflores para maghain din ng kanyang kandidatura.

Ayon kay Haresco, parang nabiyak ang kanyang puso na kinalaban siya ng kanyang pinsan at itinuturing na ‘soulmate’.

Hindi niya lubos maisip na makakalaban niya ang taong kasama niyang lumaki, kasama sa bahay at halos sa lahat ng bagay lalo na sa politika.

“Ginakasubo ko gid ro desisyon it akon nga soulmate. Kasama kami na lumaki, kasama sa bahay, halos sa lahat ng bagay. Siya ang bestfriend ko. Nagulat ako na kinalaban niya ako. Medyo nabiyak ang puso ko,” pahayag ni Haresco.

Ngunit iginiit ni Haresco na ginagalang nya ang desisyon ni Miraflores dahil ito ay karapatan din naman niya.

Nauna nang nagpahayag si Miraflores na magreretiro na ito sa politika noong 2022 matapos ang kanyang termino bilang gobernador ng Aklan.