Aklan News
Nanay na tulak ng droga, arestado sa Kalibo; 10 sachet ng suspected shabu, nasamsam ng otoridad


NASAMSAM ng mga otoridad ang sampung sachet ng suspected shabu mula sa isang babaeng tulak ng droga sa ikinasang drug buy-bust operation ng PDEA Aklan sa JNC St., Andagao, Kalibo alas-7 nitong gabi, Hunyo 18.
Kinilala ang suspek kay Christine Dela Cruz, 43-anyos alyas “Tin-tin” at residente ng Brgy. Pagsanghan, Banga, Aklan.
Nabilhan si “Tin-tin” ng isang sachet ng suspected shabu kapalit ng P5,600 na buy-bust money.
Nakuha din sa wallet ng subject ang karagdagang 7 sachet ng iligal na droga at 2 sachet naman ang nakuha na nakaipit sa isang twin pack na kape.
Ayon kay PMJ Jerome Manahan, hepe ng Aklan Provincial Drugs Enforcement Unit (PDEU), dati nang nakulong ang subject noong 2013 at nakalaya ng 2018.
Ang operasyon ay ikinasa ng PDEU Aklan kasama ang Kalibo MPS.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag ng RA. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | Ulat ni Jisrel Nervar