Aklan News
NANGYARING ENGKWENTRO SA PAGITAN NG NPA AT MILITAR SA DALAGSAAN, LIBACAO ISOLATED INCIDENT LAMANG – 3rd ID PHIL. ARMY
MAITUTURING na isolated incident lamang at walang dapat ikabahala ang lalawigan ng Aklan kasunod ng nangyaring engkwentro sa pagitan ng New Peoples Army (NPA) at mga miyembro ng militar sa So. Maytaraw, Brgy. Dalagsaan, Libacao nitong Abril a-1.
Ito ang pahayag ni Capt. Kim Apitong, Spokesperson ng 3rd Infantry Division, Philippine Army sa panayam ng Radyo Todo kasunod ng pagkapatay ng mga military sa isang babaeng miyembro ng NPA sa nasabing engkwentro.
Aniya, ang pinangyarihan ng engkwentro ay hindi sentro ng Aklan kundi nasa bahagi na ito boundary ng Calinog, Iloilo.
Pahayag pa ni Apitong na nananatiling insurgency-free province ang Aklan sa kabila ng nangyari.
“Pero kung atin pong titingnan, hindi po talaga ito sentro ng Aklan, ito po ay boundary ng Calinog. So, hindi po talaga ito sentro ng Aklan. Huwag pong ma-alarma, huwag po mabahala. Alam naman po nating ang Aklan ay insurgency-free province at ayaw po nating makapag-cause ng alarm.”
Ipinasiguro nito na walang problema dahil in-control na ang lahat ng pwersa ng pamahalaan kaugnay sa nangyari.
“We would like to assure po ang mamamayan and the communities d’yan pos a Aklan, alam po nating may mga tourist spots tayo d’yan, wala pong dapat ika-problema. Ito ay isolated po na incident at ito po ay in-conmtrol na po ang gov’t forces dito.”
Samantala, inihayag ni Capt. Apitong na base sa kanilang mga imbestigasyon, ito ay mga grupo lamang ng NPA na nagtungo sa nabanggit na lugar upang magsagawa ng extortion, pananakot at recruitment.