Aklan News
Nasa 20K crowd inaasahang dadagsa sa opening salvo ng ati-atihan festival 2025
Inaasahang aabot sa 15,000 hanggang 20,000 ang dadalo sa Opening Salvo ng Sto. Niño Ati-atihan 2025, bukas.
Ayon kay Kalibo PNP Deputy Chief PMaj. Willian Aguirre, bukas, Oktubre 5 ang pinaka-highlights ng nasabing okasyon.
Dito magaganap ang sadsad ng mga tribu at iba pang mga grupo mula Mabini St. hanggang Patrana Park dakong alas-4:00 ng hapon.
Bukod sa sadsad, marami pang mga magaganap mula umaga gaya ng HalabiRun!, Sinaot sa Opening Salvo, at ang blessing at pagbubukas ng Kalibo Pastrana Children’s Park.
Samantala, isa pa sa inaabangan ng mga Aklanon ay ang libreng concert ng sikat na singer na si Yeng Constantino.
Sa kabila ng inaasahang pagdagsa ng mga dadalo, ipinasisiguro naman ng mga otoridad na sila’y nakaantabay para sa seguridad ng mga ito hindi lamang sa ika-2 araw kundi muli umpisa hanggang matapos ang selebrasyon.