Connect with us

Aklan News

NASUNUGAN SA KALIBO PUBLIC MARKET, NAKATANGGAP NG P7K TULONG PINANSYAL

Published

on

Photo from the web.

Kalibo, Aklan – Namigay ng karagdagang tulong pinansyal ang lokal na pamahalaan ng Kalibo sa mga vendors na naapektuhan ng sunog sa Kalibo Public Market nitong Huwebes.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Kalibo Public Market Administrator Abel Policarpio, sinabi nito na P7000 ang natanggap bawat isa ng mga totally damaged at P4000 naman ang sa mga partially damaged.

Nagmula anya ang budget sa local disaster management fund ng Local Government Unit (LGU) ng Kalibo na P2 milyon.

Nagbigay din anya ng karagdagang P300, 000 ang VAWC sa mga nasunugan.

Masayang ibinalita ni Policarpio na unti-unti nang nakakabawi at nakakabalik sa pagtitinda ang mga apektadong stall owners.

Maaalala na tinupok ng sunog ang Kalibo Public Market madaling araw noong Setyembre 15 na nag-iwan ng P35M danyos.