Aklan News
NATAGPUANG BANGKAY SA MALINAO NOONG BYERNES, BIKTIMA NG PANANAGA

Pinaniniwalaang biktima ng pananaga ang natagpuang bangkay nitong nakaraang Biyernes sa Bulabod, Malinao.
Ayon kay PLt.Merrifien Carisusa, Officer in charge ng Malinao PNP, wala pa silang opisyal na crime lab result sa kung ilan ang tinamong sugat sa katawan ng biktimang si Lauro Fernando.
Pahirapan din umano ang kanilang imbestigasyon sa ngayon para matukoy ang motibo ng krimen lalo pa’t mag-isa lamang sa kanyang bahay ang biktima at wala rin umano itong napabalitang nakaaway.
Samantala, sinabi pa ni Carisusa na sinisikap din umano nila ngayon na makahanap ng person of interest para makatulong sa kanilang imbestigasyon.
Magugunitang naaagnas na ang bangkay ng biktima nang matagpuan sa sapa, tinatayang 150 ang layo mula sa kanyang bahay.